Mga Pagbabalik


Larawan mula sa Ermita Hill, Baler Aurora 2019 March © Michael Cuevas Barcas


Mga Pagbabalik

Dahil ako ay may rekta o solid na Internet connection (Dasca's Fiber Blaze), ay susubukin ko ulit ang pagsusulat o paglalathala sa Blogger.

Medyo hindi ako pinalad dito haha kahit nag-umpisa pa ako noong college. Subalit, handa muling sumubok. Hindi pa naman siguro huli ang lahat.

Marahil napansin niyo na malayo ang agwat nito mula sa huling blog post. Ito ay kasalukuyang tinitipa ko sa lumang Macbook, 15 Hunyo 2020. Sa gitna ng quarantine/lockdown bunsod ng pandemiyang COVID-19.

Malaking balakid at dagdag "anxiety" ang dinulot ng public health emergency (COVID-19). Marami sana akong plano ngayong taong 2020 pero wala tayong magagawa. Malaki rin ang dagok dulot ng kawalang kahandaan ng gobyerno: early travel ban, mass testing, contact tracing, ayuda o social services at mga tulong/benepisyo sa mga healthworkers/frontliners.

Hindi pa kasama ang mga masasakit na balita o pagsubok laban sa demokrasya: ibang importansiya gaya ng Anti-Terror Bill, pagpapasara ng isang major TV network at paghabol sa mga kritiko ng kasalukuyang panahon. Wala dapat sila ikatakot kung wala namang itinatago.

Katotohanan at dagdag din kung bakit ako lalayo muna sa Facebook dahil sa pagiging toxic nito. Naging toxic ito dahil nagagamit plataporma at propaganda para sa fake news, maling kuro-kuro at higit sa lahat, trolls.

Samu't sari ang suliranin siguro ni Mark Zuckerberg pero hindi naman siya kikilos laban sa weaponized social media/Internet. Dito siya nabubuhay at mga investors. Research more on Cambridge Analytica para may idea kayo ukol dito.

Bago kayo tamarin o kung may nagbasa man, salamat. Patuloy lang tayo at laging babalik.

Adios.


Comments